Ikaw ang nagbigay daan para maramdaman ko ang umibig muli.
Sa panahong akala ko, ang magmahal ay wala na sa aking isip.
T’wing nakikita ka puso ko’y tumatalon sa saya,
Siksik-liglig ang kilig sa t’wing ika’y kausap na.
Baon ko ang lahat ng ito sa aking pagtulog
Minsan tumutuloy sa panaginip ang mga bagay na naudlot (alam na!)
Di nagtagal, nalaman mo ang pagtingin ko sayo,
At sinabing pagkakaibigan lang ang maiaalay mo.
Parang bumagsak ang mundo ko sa katotohanang ito.
Tinatanong ang sarili, ano pa bang kulang at nagkaganito?
Naging mabuti kang kaibigan, andyan lagi para sandalan
Kaya nagpapasalamat na rin ako, kahit papano nagkakasama tayo.
Siguro nga dapat akong maging masaya sa kung sino man ang mamahalin mo
‘Di ba nga sabi nila, yun daw ang tunay na pagmamahal –
ang makitang masaya ang mahal mo kahit hindi ikaw ang makatuluyan?
Ito lang ang masasabi ko sayo, na kung sino man sya, MAGHIHIWALAY rin kayo! (bwahahaha)
At sa huli, maiisip mo na ako lang ang tunay na nagmamahal sayo
Sa kabila ng mga kapintasan na meron ka,
tanggap ko yun kahit alam ko na ako’y panghabangbuhay na YAYA.
Handa akong pagsilbihan ka magpakailanman.
Gugupitin ang madudumi mong kuko sa kamay at paa.
Ipagluluto kita mula almusal hanggang hapunan,
Sa pagtulog naman, mamasahihin ka ng bonggang-bongga!
O ha!, san ka pa?
































